Simula:
Ang anking magulang ay sina Paz Valdez at si Ronnie Valdez ako ay maagang namulat sa pagkilos sa bahay dahil hindi nila kami sinasanay na walang ginagawa sa bahay, mahilig nga pala akong kumanta at mag gitara, yan ang pinagkakaabalahan kopag wala akong ginagawao bored ako. Isa rin na ginagawa ko ay ang pakikinig ng mga music kapag ako ay stress.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgAqO9WuapBTLs7M-W940WttZ4wPlQRDx8P-ltouPA28ntzD0cSV6NatfkQX6H_FXaKBuqRlb_YvX0mAd1CY4N9srPnWjoQQrgucqgTbcK54E-l-RnYdk3jWRAl0PHDyx2tsYmF9n9yQsR7/s320/20171211_055112.jpg) |
Grade 1 honor |
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxf0FewCEZyJe60XeS9Z58w-YRXZmPL9tA8jB3YiRXzOb49Xtec9wfzvx_9ARU5hTyU8wtjCWHyi85uom5Gva9yhY63Z2Wm9rLLjPc4ClIzaOXzgOaMARYGG653rB5fUPq8wsZI9nPfymV/s320/20171210_102541.jpg) |
Grade 3 christmas event |
Noong ako ay bata pa lamang at nag aaral ako ay sobrang mahiyain at sobrang tahimik dahil sa rason na ayokong mapahiya, oo ayoko kasi nung bata pa ako na napapahiya ako minsan pa nga sa sobrang hiya ko ayokong pumasok sa klase. hindi rin ako nagkakaron ng kaibigan sa sobrang tahimik ko. Sa kabila ng lahat ako ay nakakuha pa nga ng award noong ako ay grade 1 pa lamang at dahil don unti unti ako nagbago. Habang ako ay tumatanda unti unting nababawasan ang pagiging mahiyain ko sa klase at nadadagdaga ang aking mga kaibigan. Sa aming mga magkakapatid ang tumulong sa akin na maging matapang at wag mahiya sa iba ay ang ate diane ko (pangalawa sa matanda), siya ang nagturo sakin ng lahat ng yon at siya rin ang mas close ko. Dahil sa mas malayo ang edad ng panganay naming ate mas hindi ko siya naging close dahil bata pa lamang ako siya ay nakasal na agad sa kanyang asawa. Sa nakikita niyo sa kaliwa yan ang aking ate, siya si ate Diane siya ang lagi kong kakampi sa lahat ng bagay at hanggan ngayon pinagtatanggol niya ako.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCH7_e9FtUQJg1n0LPODSsyaM-WjJ7zZfALQgykE3yLMHfPWcwwGevRAntPyf4oy7Kc5-Z7YKhof_qQM6ktPEDQwBk4gKNfUmXTmSYXap-2xM8LQCbdEj_xurbfpXtRrNht2v3Woujfd7Q/s320/20171210_102500.jpg)
Naalala ko pa noong bata pa lamang ako lagi akong pinanggigigilan ng mga tao dahil ako ay mataba pero patagal ng patagal ako at palaki ako ng palaki ako ay pumapayat. Mahilig ako sumama sa mama ko dahil mas komportable ako sa kanya kaysa sa aking papa. Ayokong naiiwan ako ng mama ko, pag d ako sinama ng mama ko umiiyak ako.
Sa pagkakatanda ko lagi akong umiiyak tuwing unang klase, ayokong pumasok gusto ko na umuwi
kapag nakikita ko ang mga larawan kong dati napapaisip ako kung ako ba talaga yan, noong ako ay bata wala akong tropa wala akong mga kalaro dahil hindi ako lumalabas ng bahay, hindi rin ako mahilig makipag kaibigan sa iba.
Mahiyain ako sa camera kapag nakakakita a
ko ng camera nagtatago na ako. Eto yung picture na napilit nila ako para picturan ako. Yan ako noong ako ay grade 3 palang, grade 3 palang ako mahilig na ako kumanta kaso dahil mahiyain ako d ko pinaparinig sa iba pag kumakanta ako, kadalasan ginagawa ko nung bata pa lang ako ay maglaro makinig sa mga kanta at manood.
No comments:
Post a Comment