Ang buhay ng isang estudyante ay parang gulong, minsan nasa baba ka minsan natasaas ka, minsan angat ka minsan ay hindi. Kahit saan ka mapadpad kailangan mo mag adjust kahit d mo gusto kailangan mo paring mag adjust. Bilang isang estudyante napakahirap ang mag aral ngunit kung talagang sisikapin mo mag aral makakapagtapos ka. Sa aking mga napagdanasan nasubukan kona umangat at nasubukan ko na ring bumagsak wari ba mapapaisip ako kung tama ba ang ginagawa ko o hindi, Bilang isang estudyante dapat malakas ang loob mo hindi pwedeng mahina ang loob mo.
Sa loob ng paaralan marami kang makikita at magiging kakilala madami kang maigigng kaibigan at madami ding hindi pero may mga kaibigan kang totoo kung saan tutulungan ka at magtutulungan kayo para sabay sabay tayo makapag tapos, Sa mga kaiigan mo sa paaralan sila ay nakakatulong sa pag tanggal ng problema mo hindi lang sa paaralan at maging sa problema mo sa buhay mo, sila ang malalapitan mo at makakatulong sayo,
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgB2PdXRPeLfuQanGhBnJnlrcJlA8oIRdEihUPGdLX9Aun1Z_bZUtnZEQCO8eQAcqIM0VHYBXD1sTI7_AMfw8C5z6xMSJ2WKvuIHjYk5wAxJ5dFGThdmvwB0e1F9v5JwksRh6n-Ye8GNlUl/s320/4244810383_f324b12e94_b.jpg)
Ang buhay estudyante ay kailangan ng tiwala sa sarili. Kailangan mo magtiwala sa sarili mo sa lahat ng bagay, kung wala kang tiwala sa sarili mo wala kang magagawa na ipagmamalaki mo. ang buhay estudyante ay hindi biro dahil d mo naman kailangan maging sobrang matalino ang susi talaga sa iyong pagtatapos ay ang kasipagan.